Kinasuhan ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga sumusunod na counts ng crimes against humanity:
(1) Davao De4th Squad K!llings
(2) High-value targets sa ‘PRRD List’, at
(3) Barangay anti-drvg clearance operations.
Sa inihaing 15-page document ni Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang, naglalaman ito ng tatlong bilang ng murder laban kay dating Duterte, na sumasaklaw sa mga insidente mula 2013 hanggang 2018.
Count 1: Akusado si Digong na umano’y utak ng Davao De4th Squad (DDS) noong siya ay alkalde mula 2013 hanggang 2016, na responsable sa pagpaslang sa 19 katao sa Davao City.
Count 2: Isinasangkot ang dating pangulo sa 14 biktimang pinatay na tinaguriang ‘high-value drug suspects’ noong 2016–2017, kung saan may umano’y covert reward system mula P50,000 hanggang P1 milyon para sa bawat target.
Count 3: May kaugnayan sa 45 biktima ng pagpatay at tangkang pagpatay sa mga barangay anti-drug operations mula 2016 hanggang 2018 na isinagawa ng isang “national network” ng mga pulis, opisyal ng Philippine Drvg Enforcement Agency (PDEA), at mga hitmen.
“The Prosecution charges the murders and attempted murders below, although the actual scale of victimisation during the charged period was significantly greater, as reflected in the widespread nature of the attack,” saad ng prosekusyon.
Ayon sa datos ng gobyerno, umabot sa 6,000 ang namatay sa anti-drvg campaign ng dating administrasyon, subalit tinatayang 30,000 ang bilang ng nasawi ayon sa mga human rights groups, na karamihan ay maliliit umano na drug suspect.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome
