Maghahain umano ng panibagong kaso ang Independent Commission for Infrastructure (ICI), na binuo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., laban sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon.
“Meron pong panibagong kaso na ifa-file this week ang ICI…at sa mga susunod na linggo tuluy-tuloy po ito and this will involve multiple personalities both from within the department and outside of the department,” saad ni Dizon.
“Nabigay na po namin ang mga dokumento para sa kasong iyon at sa mga susunod na linggo tuluy-tuloy po ito and this will involve multiple personalities both from within the department and outside of the department,” sabi ng kalihim sa hearing ng House Committee on Appropriations sa 2026 proposed budget ng DPWH ngayong Miyerkules, Setyembre 17.
Ani Dizon, pinag-aaralan na rin ng ahensya ang proseso sa DPWH dahil may mga “red flags” na kailangan nilang tugunan tulad ng mga proyektong pinopondohan kahit na walang engineering plan na ikinagulat umano niya.
“Ngayon lang po ako nakakita ng departamento na nagkakaroon ng budget at na-a-award-an ng proyekto na wala man lang engineering plan,” saad ni Dizon.
Ulat ni Ansherina Baes
