Ipinaliwanag ni Zambales 1st District Rep. Jefferson Khonghun ang naging dahilan sa pag-resign ni Martin Romualdez bilang lider ng Kamara de Representantes na aniya’y isang sakripisyo para sa institusyon.

“Matagal na rin naman na nagco-contemplate si Speaker dahil nakikita rin niya na masyado nang tinatamaan ‘yung House, ‘yung institusyon, at talagang mahal din niya ‘yung administration… kaya niya ginawa ‘yung sakripisyo na at least to step down,” saad ni Khonghun.

Ayon kay Khonghun, matagal na umanong pinag-iisipan ni Romualdez ang pag-alis sa puwesto bilang lider ng Kamara dahil “nakikita rin niya na masyado nang tinatamaan ‘yung House.”

Dagdag pa niya, pinili umano ni Romualdez na mag-resign sa pagiging House Speaker upang magkaroon ng oras at panahon na harapin ang mga akusasyon laban sa kanya at “mas magkakaroon siya ng panahon para sagutin ‘yung mga sinasabi, ‘yung mga intriga.”

“So ‘yun din ‘yung isang dahilan kung bakit mas pinili niya na magsakripisyo, para din sa institusyon,” aniya pa.

Ulat ni Jilliane Libunao