Hindi dadalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa United Nations General Assembly (UNGA) 2025 na gaganapin sa New York sa susunod na linggo para mas tutukan ang mga lokal na usapin sa Pilipinas, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
Sa isang Viber message noong Lunes, Setyembre 15, kinumpirma ni PCO Secretary Dave Gomez na si Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro ang kakatawan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa United Nations General Assembly (UNGA) 2025 sa New York City.
Ayon sa PCO, nakatuon muna ang atensyon ni Pangulong Marcos Jr. sa imbestigasyon ng umano’y korapsyon sa mga flood control projects at iba pang infrastructure projects.
Ito na ang ikatlong sunod na taon na hindi dadalo ang Pangulo sa UNGA, kung saan si dating Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang kumatawan sa Pilipinas noong 2023 at 2024.
Binuksan ng UNGA ang 80th session nito noong Setyembre 9, samantalang gaganapin ang high-level General Debate mula Setyembre 23 hanggang 27 at magtatapos sa Setyembre 29.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome
