Tiniyak ni Vice President Sara Duterte na nasa maayos na kalagayan ang kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Tumawag siya last Friday. He’s okay. Nag-usap kami about politics, nag-usap kami about flood control, nag-usap kami about… love life niya,” pagbabahagi ni VP Sara.

Kaugnay ng desisyon ng Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court (ICC) na ipagpaliban ang confirmation of charges hearing ni Digong na una nang itinakda sa Setyembre 23 matapos sabihin ng kampo ng dating pangulo na “unfit to stand trial” ito, sinabi ni VP Sara na: “Mayroong mangyayaring hearing sa kanyang competency. Antayin na lang natin ang mga experts.”