Posibleng pangalanan ngayong linggo ang executive director ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro sa ginanap na press briefing ng Palasyo ngayong Martes, Setyembre 16.

“Magpupulong pa lang po sila. So, most probably, within this week ay mayroon na,” sinabi nI Castro.

Sa Executive Order (EO) No. 94 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nakasaad dito na pamumunuan ng executive director ang ICI na ia-appoint ni PBBM sa rekomendasyon ng komisyon.

Samantala, binubuo nina dating Supreme Court Justice Andres Reyes bilang chairman, dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio “Babes” Singson, at SGV country managing partner Rossana Fajardo ang ICI.

Si Baguio City Mayor Benjamin Magalong naman ang ‘special adviser’ ng naturang komisyon.

Ulat ni Jilliane Libunao