Sa isang sinumpaang salaysay na kanilang binasa sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong Lunes, Setyembre 8, diretsahang pinangalanan ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, may-ari ng St. Gerrard Construction at walong iba pang kumpanya, ang mga kongresista na diumano’y tumabo sa maanomalyang proyekto ng gobyerno.

“Matapos naming manalo sa bidding, may mga opisyal na lumapit para humingi at kumuha ng bahagi niya sa halaga ng proyekto,” saad ni Curlee Discaya.

Kabilang sa mga ito ay ang sumusunod:
Roman Romulo
Jojo Ang
Patrick Michael Vargas
Arjo Atayde
Nicanor “Nikki” Briones
Marcelino Teodoro
Florida Robes
Eleandro Jesus Madrona
Benjamin Agarao Jr.
Florencio Gabriel Noel
Leody “Odie” Tarriela
Marvin Rillo
Reynante Arrogancia
Teodoro Haresco
Antonieta Eudela
Dean Asistio
Marivic Co Pilar