Inanunsyo ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na magiging witness sa International Criminal Court (ICC) si retired police Col. Royina Garma laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na naging dahilan ng kanyang pagpunta sa Malaysia noong Linggo, Setyembre 7.
Si Garma, na kilala sa kanyang pagkakaugnay sa “drvg w@r” ng dating pangulo, ay ipina-deport pabalik sa Pilipinas matapos ibasura ang kanyang asylum request sa United States.
Noong 2019, itinalaga ni Duterte si Garma bilang general manager at vice-chairperson ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa isang pagdinig ng House Quad Committee noong Oktubre 2024, isiniwalat ni Garma na hiniling sa kanya ni Duterte na humanap ng opisyal na makapagpapatupad ng “Davao model” sa buong bansa.
Ayon kay Garma, ang “Davao model” ay isang operation system kung saan may mga gantimpalang mula P20,000 hanggang P1 milyon na ibinibigay sa mga awtoridad para hikayatin ang mga ito na mas maging agresibo sa drvg operations.
Kasalukuyang nahaharap sa reklamong mvrder at frustrated mvrder si Garma dahil sa umano’y pagpapapat@y kay former PCSO board secretary Wesley Barayuga.
Ayon kay Atty. Emerito Quilang, legal counsel ni Garma, nag-apply ang retired police official ng asylum sa Amerika noong Nobyembre 2024 subalit ito ay hindi pinaboran ng US authorities.
Ulat ni Bea Tanierla
