Naipasa na sa International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I ang application ng 15 biktima ng war on drvgs campaign para maging bahagi ng kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa dokumentong inilabas sa website ng International Criminal Court (ICC), ipinadala ng ICC Registry noong Agosto 27 ang mga aplikasyon na sinuri ng Victims Participation and Reparations Section, kung saan 15 ang napabilang sa Group A at 10 naman sa Group B.

Nakatakda ang confirmation of charges hearing ni Digong sa kanyang kaso sa ICC sa darating na Setyembre 23.

Nahaharap ang dating pangulo sa kasong crimes against humanity sa ICC kaugnay ng war on drvgs campaign na kanyang isinulong nang magsilbing alkalde ng Davao City hanggang sa maging pangulo ng Pilipinas.

Ulat ni Julian Katrina Bartolome