Maghahain ng graft at misconduct charges ang NBI sa Office of the Ombudsman laban kina dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at 35 iba pang indibidwal.

Kabilang sa mga kasong ihahain ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman laban kina Alice Guo at 35 iba pang indibidwal ay paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019, Sections 3[e] and 3[g]).

Ito umano ay dahil sa misuse of authority at pagpasok ng mga ito sa “grossly disadvantageous contracts” sa mga private firms na BAOFU Land Development, HONGSHENG, at ZUN YUAN.

Samantala, bukod kay Guo, kabilang sa 35 na iba pang kakasuhan ay sina dating Bamban mayor Jose Antonio Feliciano, dating vice mayor William Cura, ilang councilors, municipal officials, barangay at youth leaders, maging ang company incorporators na sangkot diumano sa mga “questionable land deals.”

Nahaharap din sa kaso sa ilalim ng Revised Penal Code (Article 216) si Feliciano dahil sa ilegal na paggamit ng public office para umano sa “private gain.”

Ulat ni Ansherina Baes