Naglabas ang Department of Justice (DOJ) noong Biyernes, Agosto 29, ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kina Charlie “Atong” Ang, Gretchen Barretto, dating NCRPO chief Jonnel Estomo, at mahigit 50 iba pa kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla na kabilang sa mga pinangalanan ang mga itinuro ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas “Totoy,” na diumano’y “utak” sa naturang krimen.

Ayon kay Remulla, umalis na ng bansa ang kapatid ng negosyanteng si Atong Ang.

Dagdag pa ng DOJ chief, kapag nagsimula na ang preliminary investigation, maaaring hilingin ng panel of prosecutors sa korte na maglabas ng Precautionary Hold Departure Order (PHDO).

Mariin namang itinanggi nina Ang, Barretto, at Estomo ang anumang kaugnayan nila sa kaso.

Ulat ni Sha Soriano