Mariing iginiit ni Pasig City Mayor Vico Sotto na dapat ituring na ‘nakakadiri’ at ‘hindi kailanman katanggap-tanggap’ ang katiwalian sa gobyerno dahil tila naging parte na umano ng kultura ng Pilipino ang korapsyon.
“If we want to fix this, kailangan aminin natin na at some level, all of us are guilty here. Hindi ibig sabihin may natanggap tayo. Ibig sabihin, at some point, hinayaan natin. Pumayag tayo,” paliwanag ni Sotto.
Nagbigay din siya ng komento tungkol sa mga kaanak ng government contractors at mga politiko na lantaran pang ipinapakita ang kanilang marangyang pamumuhay sa social media.
“Sila naman nag-post nu’n online, ’diba? So bigyan natin sila ng atensyon kung gusto nila!” biro ni Sotto.
Para sa alkalde, isa umano sa mga positibong epekto ng kontrobersyal na flood control projects ay ang unti-unting pagkamulat ng publiko.
“Dati, ang usong mga kuwento, from rags to riches. Ngayon, ang uso nang kuwento, from robs to riches,” saad niya.
