Inihayag ni Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Eliseo Cruz noong Miyerkules, Agosto 27, na nasa 401 human skeletal remains ang narekober ng mga awtoridad mula Hulyo 10.
“The recovered sacks containing the human skeletal remains are usually tied to or attached to sacks of sand that served as sinkers. Each sinker sandbag is of the size of a 25-kg rice sack,” saad ni Cruz.
Ito ay sa gitna ng isinasagawang search and retrieval operations ng mga awtoridad sa Taal Lake, Batangas para sa mga nawawalang sabungero.
Sa pagdinig ng House Committee on Human Rights ngayong araw, sinabi ni Cruz na karamihan sa mga narekober na sakong naglalaman ng human skeletal remains ay “tied to or attached” sa mga sako ng buhangin na may bigat na 25 kilo na nagsisilbing sinkers.
Nai-turnover na umano ang mga ito sa Philippine National Police (PNP) Forensic Group para sa pagsusuri.
Ulat ni Ansherina Baes
