Iginiit ni Vice President Sara Duterte na ang tanging hiling umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay makauwi na sa Pilipinas, partikular sa Davao City, na sinabi umano ng huli kay VP Sara kamakailan lamang.

“There is nowhere in the world that I want to be right now… but in the Philippines, in Davao City,” saad ni VP Sara tungkol sa sinabi ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanya.

“It is clear. He told me that repeatedly,” saad ni VP Sara sa ginanap na ‘Hakbang ng Maisug’ event sa Kuwait noong Biyernes, Agosto 15.

Ito ay kaugnay sa isinumiteng request for interim release ng defense team ni Digong sa International Criminal Court (ICC) noong Hunyo 12, 2025.

Dagdag pa ni VP Sara, pinatunayan na umano ng dating pangulo na hindi siya nananakot sa mga testigo, “That is very clear. (Former) president Duterte has been attacked by Trillanes for a long time. Trillanes has also been naming his witnesses. But, has anything happened to them? Nothing. Nothing ever happened to them.”

Ulat ni Jilliane Libunao