Binalaan ni Sen. Raffy Tulfo ang Department of Migrant Workers (DMW) nitong Miyerkules, Agosto 13, na posible niyang ipitin ang budget ng kagawaran pagdating ng budget hearing.
“Tutuldukan natin ang problema (ng OFWs) dahil kapag hindi, pagdating ng budget hearing, I’m sorry, baka ipitin ko muna ang budget ninyo,” saad ni Sen. Raffy Tulfo.
Ito ay kung hindi umano mapapahinto ng kagawaran ang pang-aabusong nararanasan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa ibang bansa.
“Nakakasama ng loob na tinatawag natin silang makabagong bayani and yet pinapabayaan natin silang maabuso at masaktan,” saad ni Sen. Raffy.
Ulat ni Ansherina Baes
