Tinukoy na ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) ng Senado noong Huwebes, Agosto 14, ang dating aktres na si Nadia Montenegro, na diumano’y political affairs officer ni Senator Robinhood Padilla, na siyang tsumongki sa isa sa mga palikuran ng Senate building dakong alas-5 ng hapon noong Agosto 12.

“Ms. Montenegro denied smoking inside the ladies’ comfort room or using marijuana for that matter, but acknowledge possessing a vape in her bag, which she said could have produced the unusual scent reported earlier by Senator Lacson’s staff,” nakasaad sa report ng OSAA.

Ayon kay Victor Patelo ng OSAA, nilapitan siya ng isang staff ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson matapos makaamoy ng sinindihang marijuan@ sa comfort room. Sinabihan din umano si Patelo ng staff ni Lacson na ang iisang tao na nakita niyang lumabas ng CR ay si Montenegro kaya inabisuhan niya ito na lapitan ang dating aktres.

“He claimed the odor resembled that of “marijuana” and stated that the only person in the area at the time was alleged Ms. Nadia Montenegro,” nakasaad sa report ng OSAA.

Sinabi rin ni Patelo na ito na ang ikalawang beses na nabistong nagma-marijuan@ diumano si Montenegro sa Senate premises. Kung saan ang unang beses ay noong ikalawang linggo ng Hulyo 2025 habang nagpapatrulya siya sa 5th level ng gusali.

“I received a call on the trunk line of my post from a male staff member, reporting a strong odor in their area,” dagdag pa ni Patelo sa kanyang report.