Inilabas na ng Octa Research ang resulta ng kanilang isinagawang survey mula Hulyo 12 hanggang 17 tungkol sa trust at performance ratings ng mga top government officials.

Ayon sa resulta ng isinagawang survey ng Octa Research, tumaas sa 64 na porsyento ang trust rating ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Hulyo, mas mataas sa kanyang 60 porsyentong trust rating noong Abril 2025.

Makikita naman sa resulta ng survey na bumaba ang trust rating ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa 51 porsyento mula sa 55 porsyento noong Abril.

Tumaas din ang bilang ng mga Pilipino na satisfied sa performance ni Pangulong Marcos Jr. sa 62 porsyento, mas mataas kumpara sa kanyang 59 na porsyentong rating noong Abril.

Samantala, bumaba ang satisfaction rating ni Escudero sa 49 na porsyento mula sa kanyang 53 porsyentong rating noong Abril.

Ayon pa sa naturang survey, tumaas ang dissatisfaction rating ni Escudero sa 24 na porsyento ngayong Hulyo kumpara sa 19 na porsyento noong Abril habang bumaba sa 19 na porsyento ang dissatisfaction rating ng Pangulo mula sa 20 porsyento noong Abril.

Ulat ni Ansherina Baes