Ayon sa ulat ng SunStar Davao nitong Martes, Hulyo 29, inaprubahan umano ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Crispin Remulla ang travel authority ng acting mayor noong Hulyo 20—ilang araw matapos tanggapin ni Torre ang hamon na suntukan ni Baste.
“Officially authorized” ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla, na isa sa mga dumalo sa boxing match nina acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III, ang overseas travel ni Baste nitong Hulyo 25 hanggang 29, ayon sa ulat.
Kabilang sa mga natamaan na araw habang nasa ibang bansa si Baste ay ang inaasahang ‘charity boxing match’ ng dalawa na tinuloy ni Torre nitong Linggo, Hulyo 27, kahit hindi sumipot ang acting mayor kung kaya’t nanalo “by default” ang PNP chief sa laban.
Nagbunga ang ‘charity boxing match’ matapos hamunin ni Baste si Torre ng “suntukan” at sinabihan na matapang lamang umano ang PNP chief dahil sa kanyang posisyon.
Tinanggap naman ito ni Torre at iminungkahi na puwede itong gawing ‘charity boxing match’ kung saan ang malilikom na pera ay gagamitin para sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo.
Ulat ni Jilliane Libunao
