Inihayag ni Sen. Bam Aquino, chairman ng Committee on Basic Education, sa kanyang privilege speech sa plenary session ng Senado ngayong Miyerkules, Hulyo 30, na dapat iprayoridad ang suliranin sa learning gap ng mga mag-aaral na isa sa mga pangunahing dahilan sa pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

“Urgent na po ang problemang ito. There is a learning gap in our country at kung hindi po natin tutugunan, mas lalaki pa ang learning gap na ito,” saad ni Sen. Bam, chairman ng Committee on Basic Education.

Aniya, karamihan umano sa mga mag-aaral ay nahuhuli ng dalawang taon pagdating sa reading at mathematics, at mayroon umanong mga estudyante na hindi pa rin marunong bumasa nang ayon sa kanilang antas.

Bunsod nito, sinabi ni Aquino na posibleng maglunsad ng supplemental remedial programs at kung kinakailangan ay ibahin ang curriculum upang matugunan ang learning gap.

Ulat ni Ansherina Baes