Ito ang inihayag ni President Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa Complex ngayong Lunes, Hulyo 28, kung saan inisa-isa niya ang accomplishments at plano ng kanyang gobyerno para maiangat ang buhay ng mga Pinoy.

“For the 2026 national budget I will return any proposed general appropriations bill that is not fully aligned with the national expenditure program,” inihayag ni PBBM nitong Hulyo 28.

“I am willing to do this even if we end up with a reenacted budget. Hindi ko aaprubahan ang kahit anong budget na hindi alinsunod sa plano ng gobyerno para sa sambayanang Pilipino,” aniya.

Binitawan ni PBBM ang pahayag na ito sa gitna ng naglutangang balita kung saan diumano nagkaroon ng P147 bilyong halaga ng budget insertion sa bicameral committee level sa panukalang P6.8 trillion 2025 national budget na inuugnay si kay Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero noong siya ay senate president noong 19th Congress.

Ulat ni Ansherina Baes