Kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) director Jaime Santiago na lumipad na papuntang Singapore si Acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sakay ng Scoot Airlines mula sa Davao International Airport kasama ang kanyang pamilya at staff ngayong Biyernes, Hulyo 25.
Umalis si Baste sa bansa dalawang araw bago ang nakatakdang charity boxing match nila ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III sa Linggo, Hulyo 27.
Matatandaan na si Baste ang unang naghamon ng suntukan kay Torre dahil sinisisi niya ang hepe sa pagkakakulong ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ulat ni Ansherina Baes
