Iginiit muli ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon na ang obligasyon ng Senado pagdating sa mga impeachment case ay “to try and decide,” na nakasaad din sa Konstitusyon.

“Ang nakalagay po doon [Konstitusyon], the obligation of the Senate is to try and decide impeachment cases. […] ‘Yun po bang dismissal ay bahagi ng constitutional obligation to try and decide?” saad ni Ridon.

Gayunpaman, sinabi niya rin na may tiwala umano ang Kamara sa Senado na susundin ng huli ang kanilang constitutional mandate.

Ayon kay Rep. Ridon, inanunsyo umano ng Senado na sa darating na Agosto 2 ay magtutuluy-tuloy na ang “full-blown trial” laban kay Vice President Sara Duterte.

Kapag naman sa oras na nagkaroon ng botohan para sa motion to dismiss sa naturang kaso at inaprubahan ng mga senator-judges ang pag-dismiss dito ay tutungo umano sa Korte Suprema ang Kamara upang tanungin kung “‘yun pong dismissal based on the motion to dismiss ay constitutional,” ayon kay Ridon sa ginanap na ‘The Agenda’ forum nitong Biyernes, Hulyo 18.

Ulat ni Jilliane Libunao