Inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na ang ibinahaging police report ni Rigoberto Tiglao ukol sa nangyaring pagkam@tay ni Juan Paolo Tantoco ay diumano’y “altered.”

“The Philippine Consulate in Los Angeles had verified with the Beverly Hills police department on the veracity of the alleged report and found that the police report posted by Mr. Tiglao was altered,” saad ni Castro.

Una na rin itong pinabulaanan ni Castro sa ginanap na press briefing ng Malacañang nitong Miyerkules, Hulyo 15, kung saan kinondena niya ang pagkakalat ng umano’y “fake police report” na aniya, “Nakakahiya ang kanilang mga ginagawa… Nakakahiya dahil gumawa sila ng pekeng police report.”

“The altered letter contained terms that were not in line with the Beverly Police standard language and protocol,” paliwanag ni Castro sa press briefing ngayong Huwebes, Hulyo 17.

“Nabanggit na po natin nung nakaraang araw kung ano ‘yung kanilang mga idinagdag na mga diumanong facts na hindi po talaga nakalagay sa nasabing police report,” dagdag pa niya.

Si Tantoco, na nasawi sa edad na 44 sa isang hotel sa US, ay isang executive sa sikat na retail chain na pagmamay-ari ng kanyang pamilya.

Ulat ni Jilliane Libunao