Inihayag ni La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V sa press conference ngayong Huwebes, Hulyo 17, na “intrigued” umano siya kung paano pagdedebatihan sa Senado ang inihain ni Sen. Imee Marcos na Senate Bill No. 557 o “President Rodrigo R. Duterte Act.”
“Actually I’m quite intrigued kung paano nila pag-uusapan ‘yan du’n sa Senate. Gusto ko abangan actually. Tingnan natin kung paano ‘yung tulay niyan… na parang may isang tao lang tayo na… ‘di ba dapat hindi exclusive ang bill pero nage-gets ko naman ‘yung point. It shouldn’t happen to anyone,” saad ni Ortega.
Sa ilalim ng naturang panukala ay ipinagbabawal umano ang pag-aresto sa sinumang Pilipino at paglipat dito sa international court nang walang warrant of arrest galing sa local courts ng bansa.
Hango umano ang pangalan ng naturang panukalang batas sa nangyaring pag-aresto at pagdala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Ulat ni Ansherina Baes
