Inihayag ni Vice President Sara Duterte ang pananaw ng kanyang tatay na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa pagkakaibigan niya at ni Sen. Imee Marcos.
“Sabi niya (FPRRD), ‘I believe she is sincere with her friendship with you. Puwede naman siyang hindi makipagkaibigan sa’yo pero nakikipagkaibigan siya sa’yo,” sabi ni VP Sara.
Ayon kay VP Sara sa isang panayam sa kanya nitong Martes, Hulyo 15 sa The Hague, Netherlands, naniniwala si Digong na ‘sincere’ umano ang pakikitungo ni Sen. Imee sa kanya.
Aniya, sinabi ni Digong na mas pinipiling makipagkaibigan sa kanya ni Sen. Imee kahit na puwede naman niya itong hindi gawin.
Ulat ni Jilliane Libunao
