Isinumite na ng Office of the Prosecutor ang 1,253 dagdag-ebidensiya laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity na kinakaharap nito sa International Criminal Court (ICC).

Batay sa dokumentong isinumite ng Office of the Prosecutor ng ICC na may petsang Hulyo 4, ito na ang ika-12 koleksiyon ng ebidensya laban kay Duterte.

Isinama sa 10 thematic categories ang mga ebidensya kaugnay sa kasong crimes against humanity ni Duterte, kabilang na rito ang mga umano’y nangyaring pagp@t4y ng Davao Death Squad noong termino pa ni Digong bilang alkalde ng Davao City.

Nakalista rin bilang ebidensya ang mga nangyaring pagp@t4y sa pagsasagawa ng mga barangay clearance operation noong pangulo pa si Duterte.

Samantala, kasalukuyang nakapiit si Digong sa detention facility ng ICC sa The Hague, Netherlands.

Ulat ni Jilliane Libunao