Iginiit ni Vice President Sara Duterte na “obvious” naman na maituturing na “witch hunt” ang impeachment case na kinakaharap niya.
“Witch hunt? Well obvious naman na ‘no…unang-una makikita ninyo nung budget hearing last year na ang lahat ng tanong nila ay tungkol [sa] confidential funds lang,” sabi ni VP Sara.
Tinukoy niya ang ginanap na budget hearing ng House Committee on Appropriations noong nakaraang taon kung saan lahat umano ng mga ibinatong katanungan sa kanya ay tungkol lamang sa confidential funds.
“Meron lamang silang inutusan na magtanong onti about sa budget proposal ng OVP, na wala namang confidential funds, pero lahat ng tanong nakikita ninyo nagbabasa sila ng script–at lahat ‘yon, confidential funds,” saad ni VP Sara.
Pinaalala niya rin ang sinabi ni dating Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo na “Let’s stick to our plan” na nagpapatunay umano sa ipinaliwanag ni Duterte.
Bukod pa rito ay pinuna niya ang ginawa ng Kamara para makuha ang mga dokumento galing sa Commission on Audit (COA) na kanilang idinaan sa paglabas ng kautusan mula sa House of Representatives “para kunin ‘yung mga documents.”
“Nagbukas pa sila ng hearing para kumbaga mabigyan ng semblance kuno, ng legitimacy, ‘yung ginawa nilang illegal na pagkuha ng mga documents sa Commission on Audit,” dagdag pa niya sa panayam ng “Alvin & Tourism” Facebook page nitong Lunes, Hulyo 7.
Ulat ni Jilliane Libunao