Matapos tuluyang mapawalang-sala sa drvg case, magsasampa umano ng kaso si Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima laban sa mga taong diumano’y responsable sa kanyang pagkakakulong sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang nakulong si De Lima sa Camp Crame mula 2017 hanggang 2023, na ayon sa mga kritiko ay naging ganti ng administrasyong Duterte matapos pangunahan ng kongresista ang imbestigasyon sa dr*g war ng naturang administrasyon.

Napawalang-sala si De Lima sa lahat ng kaniyang kaso noong Hunyo 2024 at sinabing pananagutin niya ang ang mga taong pinilit at kinontrol ang mga testigo laban sa kanya.

“Those who have actually coerced, threatened, and influenced, pressured certain witnesses,” aniya sa panayam sa One News.

Ibinunyag din niyang isa sa mga kakasuhan niya ay isang “former justice secretary” na maaaring tumutukoy kay Vitaliano Aguirre II, na namumuno sa Department of Justice (DOJ) nang siya ay inaresto.

Ulat ni Bea Tanierla