Nilinaw ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua sa press conference ng Kamara de Representantes ngayong Lunes, Hunyo 23, na walang napag-uusapan ang House Prosecution Panel na muling maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Kaugnay ito sa sinabi ni Senator-elect Erwin Tulfo na balak ng House prosecution panel na mag-refile ng impeachment complaint sa 20th Congress.

“Wala pong ganu’n. Wala po kaming napag-uusapang ganu’n because kung ganu’n po ang mangyayari, magkakaroon po ng bar. Meron po tayong tinatawag na one year bar o bawal po (mag-refile ng impeachment complaint) within one year. Dapat, isang impeachment complaint lang ang i-f-file,” saad ni Chua.

Ulat ni Ansherina Baes