Inihayag ni Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte na ayaw na niyang masangkot sa mga Marcos sa politika habang nasa The Hague, Netherlands para bisitahin ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakapiit sa detention facility ng International Criminal Court (ICC).
“Wala naman kay Imee (Marcos), pero ayoko na sa mga Marcos talaga… I can be casual with her, I can treat her as a friend, but let’s not talk about politics kasi hindi tayo magkasama diyan,” saad ni Davao City Vice Mayor-elect Sebastian “Baste” Duterte.
Bagamat wala siyang personal na isyu kay Sen. Imee Marcos, kapatid ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi ni Baste na ayaw na niya umanong masangkot sa mga Marcos pagdating sa politika.
Dagdag pa ni Baste, kaya niya maging “casual” sa senador at itrato itong kaibigan, ngunit aniya, “let’s not talk about politics kasi hindi tayo magkasama diyan.”
Matatandaan na si Sen. Imee ang nanguna sa imbestigasyon tungkol sa nangyaring pag-aresto kay Digong noong Marso 11, 2025 sa bisa ng arrest warrant mula sa ICC.
Ulat ni Ansherina Baes