Nilinaw ni dating Commission on Audit (COA) Commissioner Heidi Mendoza noong Linggo, Hunyo 1, na hindi umano siya “hom0phobic”, “tr@nsphobic”, o “big0t”.

“Hindi ako hom0phobic. Hindi ako tr@nsphobic. Hindi ako big0t. Pero aaminin ko, lumaki akong konserbatibo, babae mula sa probinsya… At gaya ng marami, hindi ko rin agad naintindihan kung bakit kailangang ipaglaban ang SOGIESC equality, ang karapatan ng LGBTQIA+,” saad ni dating Commission on Audit (COA) Commissioner Heidi Mendoza.

Ngunit inamin niya na siya ay pinalaking may “simpleng pananaw sa buhay” at isa siya umano sa mga hindi agad nakaintindi kung bakit kailangang ipaglaban ang karapatan ng LGBTQIA+ community, at ang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression, and Sex Characteristics (SOGIESC) equality.

Ito ay matapos siyang mabatikos dahil sa kanyang pagkontra sa pagsulong ng SOGIESC Bill sa Senado noong campaign period para sa midterm elections, ilang araw matapos siyang iendorso ni Sassa Gurl na miyembro ng LGBTQIA+ community.

“Hindi sapat na safe sila sa akin… Ang tanong, safe ba sila sa labas? Sa lipunan? Sa batas? Sa bansang ito? Real talk, hindi puwedeng pipikit tayo sa laban ng iba habang sumisigaw tayo para sa sariling prinsipyo,” saad ni Mendoza.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *