Nakaukit na ang pangalan ni Maj. Gen. Nicolas Torre III sa kasaysayan bilang unang Philippine National Police Academy (PNPA) graduate na itinalaga bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Maj. Gen. Nicolas Torre III bilang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP) na magsisimulang manungkulan sa Hunyo 2, 2025.

Papalitan ni Torre sa puwesto si Gen. Rommel Francisco Marbil na isang graduate ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1991 habang si Torre ay isang produkto ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 1993.

Simula nang itinatag ang PNP noong Enero 1991, tanging mga graduate ng PMA ang humawak ng renda ng organisasyon na nagsimula noong termino ni Director General Cesar Nazareno.

Si Torre, na tubo ng Jolo, Sulu, ay nakilala nang pamunuan sa pag-aresto kina Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte bago ito naitalaga bilang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *