Ipinagbunyi ni Pamplona Mayor at Negros Oriental 3rd District congresswoman-elect Janice Degamo ang muling pagdampot ng immigration authorities ng Timor-Leste kay dating Negros Oriental congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. mula sa kanyang bahay sa Dili.

“Excited po ako dito. Napi-feel ko marami ang magka-come out,” sabi ni Pamplona Mayor Janice Degamo, na congresswoman-elect din ng Ikatlong Distrito ng Negros Oriental.

Sa panayam ng Teleradyo Serbisyo ngayong Miyerkules, Mayo 28, sinabi ni Mayor Janice na matagal na niyang ipinagdarasal na paboran ng Timor-Leste authorities ang hiling ng gobyernong Marcos na maipatapon pabalik ng bansa si Teves, na inaakusahang nasa likod ng pagpatay sa kanyang asawa na si dating Negros Oriental governor Roel Degamo noong Marso 4, 2023.

Bukod kay Degamo, itinuro rin ng ilang mga saksi na si Teves ang nasa likod sa pagpatay ng mga kalaban niya sa pulitika sa kanilang lalawigan.

Ito ay sa gitna ng paglilinaw ng Department of Justice (DOJ) na wala pa itong natatanggap na opisyal na dokumento o abiso mula sa Timor-Leste authorities na may kinalaman sa kanilang extradition request laban kay Teves.

“We emphasize that the Philippine government has not been furnished with any legal or official document on that matter,” ayon sa statement ng DOJ na inilabas sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *