Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Tri-Committee ngayong Biyernes, Marso 21, tungkol sa pamamayagpag ng fake news at disinformation sa internet, ipinakita ng joint committee ang isang larawan na nagpapakita ng isang grupo ng Pinoy vloggers na bumisita sa China noong Mayo 23 hanggang Hunyo 5, 2024.

Sinabi ni dating Presidential Communications Office (PCO) Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles, sila ay naimbitihan ng National Radio and Television Administration (NRTA) upang dumalo ng seminar tungkol sa epektibong paggamit ng iba’t ibang social media platform sa paggawa ng short form narratives tulad ng Reels, TikTok, at one-minute video ng YouTube.

“They (Chinese hosts) introduced new techniques in social media such as short form social media. A lot of them were technical,” inihayag ni Angeles.

Aminado si Angeles na sinagot ng China ang lahat ng gastusin ng 14 na Pinoy vloggers sa kanilang pagtungo sa bansa na taun-taon na ginaganap. Sinabi rin ng dating PCO official na sila ay tumira sa isang dorm habang nasa komunistang bansa.

“They also gave a background on China,” dagdag niya.

“It is just an appreciation on how the China media works,” sabi naman ni Mark Lopez, na kabilang sa mga dumalo sa two week seminar.

Inungkat ng Tri-Comm ang kontrobersiyal na China trip kaugnay sa naglipanang pro-
China posts ng mga Pinoy vloggers sa social media, lalo na sa isyu ng panghihimasok ng puwersa nito sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *