Hinamon ni ACT Teachers Rep. France Castro ngayong Martes, Marso 18, si dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque na bumalik muna sa Pilipinas upang harapin ang kanyang mga kaso bago umaktong legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

“Mars uwi ka na rito at harapin mo ‘yong mga tinatanong ng quad comm dito at i-clear mo muna ‘yong sarili mo dito bago ka mag-abuga-abugado kay dating presidente Duterte,” ayon kay Castro.

Si Castro ay kabilang sa dumaraming personalidad na nag-uudyok kay Roque na bumalik sa Pilipinas upang humarap sa imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa kanyang naging papel sa illegal Philippine offshore gaming operators (POGO).

Noong Setyembre 2024, nag-isyu ang Kamara ng arrest order laban kay Roque dahil sa pandededma nito sa kautusan na dumalo sa mga pagdinig tungkol sa POGO.

“Why don’t you use power of govt to demand netherland for repatriation of Roque para consistent,” komento ng isang netizen sa post ni Castro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *