Pinuna ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa nitong Huwebes, Marso 13, ang sinabi ng senador na “betrayal to the max” umano ang “approval” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Sinabi ba talaga ito ni Bato dela Rosa? Hindi niya alam ang concept and meaning ng betayal? Hindi siya kaibigan ni BBM, so how could BBM betray him?” tanong ni Gadon.
Kinuwestiyon niya kung alam ng senador ang konsepto at kahulugan ng salitang “betrayal” at sinabing hindi naman umano sila magkaibigan ng Pangulo.
“(You) can only be betrayed by a friend or ally. Hindi niya alam meaning ng betrayed kasi b*b* siya,” saad ni Gadon.
Ulat ni Ansherina Baes