Sa pamamagitan ng video link, dumalo si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang unang appearance hearing sa International Criminal Court (ICC) na nakabase sa The Hague, Netherlands, nitong Biyernes, Marso 14.

Ano ang mga nangyari sa initial appearance ni dating Pangulong Duterte sa ICC?

Narito ang naging procedural nature ng initial appearance:

1. Kumpirmasyon ng pagkakakilanlan: Lumitaw si Duterte sa pamamagitan ng video link, kung saan hiniling sa kanya na kumpirmahin ang kanyang pagkakakilanlan. Nagpakilala siya at sinabi ang kanyang buong pangalan, gayundin ang petsa at lugar ng kanyang kapanganakan at pagkatapos ay kinilala ang kanyang presensya sa pagdinig.

2. Pag-presenta ng mga kaso: Ipinaalam ni Presiding Judge Iulia Antoanella Motoc kay Duterte ang mga kaso laban sa kanya, na kinabibilangan ng crimes against humanity at murder na may kaugnayan sa kanyang kampanya laban sa droga. Binalangkas ng hukom ang mga alegasyon, na binibigyang-diin ang bigat ng mga akusasyon.

3. Pag-address ng health concerns: Inihayag ng legal team ni Duterte ang mga alalahanin tungkol sa kanyang kalusugan, na nagrerekomenda na siya ay umano’y masyadong mahina upang ganap na makilahok. Kasunod nito, ipinaalam ng hukom na si Duterte ay sinuri ng doktor na in-appoint ng korte at kinumpirma na siya ay mentally at physically fit upang tumuloy, dahilan upang magpatuloy ang pagdinig ayon sa nakatakdang iskedyul.

4. Manifestation ng legal representation: Sinabi ni Salvador Medialdea, abogado ni Duterte, na ang dating pangulo ay “abducted” at igiinit na isang political move ang pag-aresto kay Digong. Kinilala ni Judge Motoc ang pahayag ngunit muling iginiit na ang mga naturang usapin ay dapat itinaas sa pre-trial proceedings, kung kaya’t nanatiling nakatuon ang initial appearance sa mga procedural aspects.

5. Scheduling ng Confirmation of Charges Hearing: Iniskedyul ni Presiding Judge Iulia Motoc ang confirmation of charges hearing, isang pre-trial proceeding, sa Setyembre 23, 2025. Sisiyasatin sa pagdinig na ito ang ebidensya at tutukuyin kung may umiiral na substantial grounds upang magpatuloy sa isang full trial. Itinakda ang petsa upang matiyak na parehong may sapat na oras ang prosecution at defense para ihanda ang kanilang mga kaso.

Ulat ni Ashley Nicole Ulep

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *