Sa kasagsagan ng mainit na pulitikal na kaganapan sa bansa, inilahad ng manunulat na si Jerry B. Grácio ang mga makasaysayang pangyayari sa pulitika ng bansa, kabilang na ang kasong isinampa laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang pagka-impeach kay Vice President Sara Duterte, at ang kakaibang paghahatid ng pizza ni Senator Christopher “Bong” Go kay Digong.

“Si Rodrigo Duterte ang unang Filipino na kinasuhan ng krimen laban sa sangkatauhan. Ang anak niyang si Sara ang unang Bise Presidente ng Filipinas na na-impeach. Si Bong Go ang unang Senador na nag-deliver ng pizza sa amo niya. Si Bato? Ayun, missing in action, iyacc next na siya,” sabi ni Grácio.

Samantala sinabi naman ni Jerry na tila missing in action si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Matapos pagtawanan at murahin ang umano’y arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC), dinakip na si Digong ngayong Martes, Marso 11.

Ipinadala ng ICC ang warrant sa International Criminal Police Organization (Interpol) sa Maynila, dahilan upang arestuhin siya ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng kasong “crimes against humanity” sa kanyang war on drugs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *