Inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na maaaring asahan ang pagbaba ng presyo ng bigas at baboy ngayong buwan ng Marso.
Sa ginanap na press briefing sa Malacañang nitong Miyerkules, Marso 5, inanunsyo ni PCO Undersecretary Atty. Claire Castro na maaari pang babaan hanggang P45 kada kilo ang presyo ng bigas.
Inihayag ng PCO Usec. na nagkaroon umano sila ng meeting ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel tungkol sa pagbaba ng presyo ng bigas.
”Nagkaroon po kami kanina ng meeting with Secretary Laurel dahil aasahan po natin ang pagbaba ng presyo ng bigas. Sa darating po na… by March 31—sa ngayon po, ang presyo ng bigas kada kilo ay pumapalo po sa 49 pesos, pero by March 31 po ay aasahan po natin ang pagbaba nito ng 45 pesos,” saad ni Castro.
Inanunsyo din umano ni Laurel na maaari pang bumaba ang presyo ng baboy hanggang Marso 10 at aniya, ang presyo umano ng kasim at pige ay bababa sa pagitan ng P350 hanggang P360 kada kilo, at ang liempo sa P380 kada kilo.
Ulat ni Ansherina Baes