Inungkat muli ng netizens ang nakangiting mug shot ni reelectionist Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. matapos niyang sumuko sa Sandiganbayan noong Hunyo 20, 2014.

Kasunod nito ay dinala siya sa Camp Crame, Quezon City para sumailalim sa booking process, na kinabibilangan ng medical examination, pagkuha ng fingerprints, at mug shot.

Inulan ng “Up” comments mula sa daan-daang netizens para makita ng iba pa, ang naturang mug shot na ipinost ng GMA News noong Hunyo 20, 2014.

Binatikos naman ng ilang netizens ang dating senador at hinimok ang mga botante na huwag na umano itong iboto.

Matatandaang nanalo si Revilla noong 2019 senatorial race, ilang buwan lang nang mapawalang-sala siya noong Disyembre 7, 2018 matapos mapatunayang “not guilty” sa plunder kaugnay ng P10-bilyong pork barrel scam.

Nakulong si Revilla ng apat na taon dahil sa umano’y pagkakasangkot sa pork barrel scam o Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam na masterminded ni Janet Lim-Napoles.

Ulat ni Ashley Nicole Ulep

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *