Matapos ng ilang buwang pagre-request ng impormasyon ng Bureau of Immigration (BI) mula sa mga immigration units sa Asia, sinabi ni BI Intelligence Division chief Fortunato Manahan Jr. na wala pa umano silang natatanggap na opisyal na reply sa kanila.

Sa closing hearing ng Senado tungkol sa pag-takas ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo o Guo Hua Ping at ibang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) actors sa Pilipinas ngayong Martes, Marso 4, nanghingi si Senator Risa Hontiveros sa BI ng update tungkol sa imbestigasyo nito tungkol sa pagtakas nina Guo Hua Ping.

Ayon kay Manahan, wala pang natatanggap na official reply ang BI tungkol sa kanilang mga request noon pang Nobyembre 2024 sa mga immigration units sa Asia at maging sa mga informal channels ay wala umano silang resulta sa kanilang imbestigasyon.

Kinuwestiyon naman ni Sen. Risa ang BI kung “okay” lamang sa kanila na hanggang ngayon ay wala pang impormasyon tungkol sa kung paano nakatakas sina Guo Hua Ping.

“Is this normal na susulat ang ating BI sa mga counterpart niyo sa ibang mga bansa and aside from information thru informal channel… walang official and written reply at all? Ni walang informal information of something more substantive? Okay lang din po ba sa kanila yung ganun?” tanong ng Senador.

Ito ay matapos sabihin ni Manahan na tatanungin niya ang commissioner ng BI kung mayroong natanggap ang ahensya na reply mula sa mga counterpart nito sa kabila ng pangako sa nakaraang hearing na magkakaroon na ng report ang BI tungkol sa pagtakas ng mga Guo sa susunod na hearing.

“Can you imagine the frustration that the whole committee… the Senate would feel about this kind of status na ni hindi pa natin ma-solve yung, it shouldn’t even be a mystery, it’s a simple matter of fact na dapat by now nalalaman natin. Very regrettable po,” saad ni Sen. Risa.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *