Sa ginanap na online press conference ng House of Representatives ngayong Biyernes, Pebrero 28, ipinaliwanag ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua na kaya tumagal ng ilang buwan ang impeachment sa House ay dahil kailangan nilang kumuha ng one-third ng votes mula sa mga miyembro nito.

Ito ang kaniyang sagot sa sinabi ni Senate President Chiz Escudero na ang ibig sabihin umano ng salitang “forthwith” sa House ay “more or less two months.”

Idinagdag pa ni Chua na hindi umano madali na mangolekta ng one-third na boto mula sa miyembro ng House dahil nasa mahigit 300 ang bilang nila at aniya’y mas madali umano makipagusap sa 24 na Senador kaysa nasa 306 na kongresista.

“Unlike po kasi sa Senado, 24 lang po yan, madali po yan kumausap ng 24 na Senador… Yung pag-i-start po ng kanilang trial ay call po ng leadership. Eh sa amin po yung pagfa-file po (ng impeachment) kailangan one third so medyo magkaiba po yung numero na pinaguusapan po natin dito,” saad niya.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *