Sa ginanap na online press conference ng House of Representatives ngayong Biyernes, Pebrero 28, inihayag ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua na kaya umano nais ng House na simulan na ng Senado ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay para ma-preserve ang mga ebidensyang nakalap nila.

Aniya, bagamat “intact” pa ang kanilang documentary evidence, habang tumatagal ang pagsimula ng impeachment trial ay maaari umanong magkaroon ng “tampering of evidence.”

Idinagdag ni Chua na posible din makaramdam ng takot ang mga tumestigo laban kay VP Sara kapag pinatagal pa lalo ang naturang trial.

Sa huli, sinabi niya na ang magagawa lamang ng House sa ngayon ay makiusap sa Senado na simulan na ang impeachment trial.

Ulat ni Ansherina Baes