Kinumpirma ng Malacañang ngayong Lunes, Enero 27, na ginawaran ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng executive clemency si dating Iloilo City mayor Jed Patrick Mabilog.

Inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ginawaran ng executive clemency ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Mabilog bagama’t hindi sinabi ng kalihim kung saang kaso ito.

Si Mabilog ay nagsilbing mayor ng Iloilo City mula 2010 hanggang 2017, kung kailan siya na-dismiss ng Ombudsman dahil sa “grave misconduct” at “serious dishonesty.”

Pumunta si Mabilog sa Japan noong 1917 at bumalik lamang noong Setyembre 2024, at nagpiyansa sa graft charges laban sa kanya.

Isinama rin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Mabilog sa kanyang drug watchlist noong 2016, na itinanggi naman ng dating alkalde ng Iloilo.

Ulat ni Edgardo Tugade

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *