Nag-trending ang nangyaring technical problem nitong Martes, Marso 5 ng gabi, kung saan ang mga user sa buong mundo ng social media platforms ng Facebook, Instagram, at Facebook Messenger ay nag-uulat na sila ay naka-log out sa kanilang mga account.

Ibinunyag ng Meta na ang malawakang outage na tumama sa Facebook, Instagram at Messenger ay dulot ng ‘technical issue’ subalit bigo itong idetalye ang pinagugatan ng problema.

Ang tatlong social media platform na pagmamay-ari ni Mark Zuckerberg kung saan halos dalawa at kalahating oras na naghintay na maka-access ang mga user sa kanilang mga account.

Sinabi ng isang insider ng Facebook sa DailyMail.com na ang kanilang internal system ay hindi gumagana sa oras na ang service dashboard ng Meta ay naapektuhan ng ‘major disruptions.’

“We’re aware people are having trouble accessing our services. We are working on this now,” makikita sa X (dating Twitter) post ng Meta communications director na si Andy Stone.