Determinadong magsampa ng kasong libel si Sen. Erwin Tulfo laban sa mga nagpakilalang “18 former Marine soldiers” matapos siyang akusahan na umano’y nakatanggap ng maletang may laman na pera, batay sa mga isinumiteng salaysay sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
“Libel po ang definitely ikakaso natin, sagutin po nila ‘yan kasi…madali na lang kasi ngayon…na magturo nang magturo,” sinabi ni Tulfo
Ayon kay Tulfo nitong Biyernes, Hunyo 5, nais niyang magpresenta ng ebidensya ang mga nag-aakusa sa kaniya sa tamang forum at hinamon ang mga ito na idulog ang kanilang mga alegasyon sa Ombudsman.
Isa sa mga tumestigo, si Bernard Gumban, ang nagsabing dalawang beses umano siyang naghatid ng mga maleta sa isang bahay sa Greenhills na iniuugnay sa senador.
“Kaya nga po siguro ‘pag nag-settle na po ang lahat ng ito, kailangan po siguro palakasin itong mga penalty po sa mga ganitong mga kaso, mga problema kasi parang wala pong pangil eh kaya kahit sino-sino na lang damuhong puwedeng magsalita po diyan,” ani Tulfo.
