Naglabas ng advisory si Acting Senate President Sherwin Gatchalian na nagpapahintulot sa mga opisyal at empleyado ng Senado na umuwi simula alas-10:00 ng umaga ngayong Huwebes, Hunyo 4.
Ayon sa advisory, walang nakaiskedyul na opisyal na gawain sa Senado ngayong araw.
Samantala, nasa Senado sina Senate President Alan Peter Cayetano at Senators Rodante Marcoleta, Robin Padilla, Pia Cayetano, at Imee Marcos upang ituloy ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects.
Nauna nang inanunsyo ni Gatchalian na walang Blue Ribbon hearing na gaganapin ngayong araw at inilipat ang pagdinig sa Hunyo 8 sa ilalim ng bagong chairman ng komite na si Erwin Tulfo matapos ang pagpapalit ng liderato nitong Miyerkules.
