Naghahanda pa ng panibagong mga kaso ng money laundering at conspiracy to defraud the national treasury ang Office of the Ombudsman laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla.

“Meron kaming isa pang money laundering case. At of course, the grandest case of them all ‘yung conspiracy to defraud the treasury,” sabi ni Remulla.

Sa isang press conference ngayong Martes, Mayo 26, tinawag ni Remulla ang ikalawang kaso bilang “grandest case of them all,” at iginiit na “hindi madaling ilatag ’yan so we’re being very careful about every premise that we make. Kasi first time ’to gagawin sa kasaysayan ng Pilipinas na magkakaroon tayo ng ganitong kaso.”

Dagdag pa niya, wala silang itinakdang timetable sa pagsasampa ng mga kaso dahil patuloy pa umano ang kanilang pangangalap at pagbuo ng ebidensya araw-araw.

Nang matanong naman kung mayroon na silang mga nailistang co-accused ng dating House Speaker: “Marami siyang co-accused. ‘Wag muna natin pag-usapan pero marami,” aniya.