Itinalaga si former senator Francis Tolentino bilang acting secretary ng Department of Labor and Employment (DOLE) matapos magbitiw sa tungkulin si Bienvenido Laguesma dahil sa usaping pangkalusugan, inianunsiyo ng Malacañang ngayong Lunes, Mayo 25.

Sa kanyang panibagong tungkulin, si Tolentino na ang mangangasiwa sa mga patakaran sa paggawa, mga programa sa trabaho, pamantayan sa mga pinapasukan, ugnayan sa paggawa, at kapakanan ng mga manggagawa, kasabay ng pagkakabilang niya sa Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pinalitan ni Tolentino sa tungkulin si Bienvenido Laguesma, na namuno sa DOLE simula 2022.

Si Tolentino, isang abogado, dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at dating Senate Majority Leader na namuno rin sa Blue Ribbon Committee, ay nagsilbing senador mula 2019 hanggang 2025.