Hindi na palalagpasin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga nagsasabing patatalsikin nila ang gobyernong Marcos, seryoso man o pabiro.
“Mahirap kasing biro ‘yun kapag national security. Atsaka nagiging pattern palagi sa defense nila na biro lang yun,” pahayag ni NBI Director Melvin Matibag.
Sa ginanap na press conference ngayong Biyernes, Mayo 22, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na iimbestigahan na ang mga personalidad o grupo na magbabantang patataubin ang pamahalaan habang nahaharap sa malalaking isyu ang bansa tulad ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte at pag-aresto kay Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
Aniya, posibleng maharap ang naturang indibidwal sa kasong paglabag sa Anti-Cyber Crime Prevention Act of 2012: “At the very least, ‘yun ang maaaring ikaso sa kanila.”
